Monday, September 18, 2017

MVB Makati Volleyball Beginners FAQs

Hi guys, below po iyong mga FAQs or frequently asked questions ng mga players. Para sa mga bago pakibasa na lang po eto para sa inyong kaalaman.

1. Puwede po bang sumali?
Oo kahit sino naman puwede. Punta ka lang sa http://tinyurl.com/mvbregistrationform
and fill out the registration form

2. Marami po bang magagaling?
Karamihan po ay beginners.

3. Nagka conduct po ba kayo ng training?
Hindi po.

4. Meron bang mga babae?
Kadalasan po all male po kami. Pero puwede naman po babae basta po 4 kayo magco confirm per game para bawat team may 1 babe.

5. Magkano ang fee para makasali sa regular games at sa liga?
Nasa P150-180 per player ang contribution sa regular games. P1000 ang fee kada team so depende na iyon sa hatian ninyo. Nasa P350 naman para sa liga na ginaganap tuwing last Saturday ng buwan.

6. Kelan babayaran ang P350?
Babayaran eto sa araw ng liga mismo.

7. Tuwing kelan po ang regular games?
Wed 8pm-12mn at Sat 6pm-10pm. Wala na pong ibang schedule.

8. Saan kayo naglalaro?
Sa Holy Family Gym, Faraday St. Brgy San Isidro, Makati City

9. Paano pumunta doon?

Paki check na lang ang directions sa link na eto http://tinyurl.com/holyfamilygym Para naman sa mapa go to http://tinyurl.com/holyfamilygymmap

10. May shower at bihisan doon?
Meron po pero pang isahan lang.

11. Bakit isa lang ang bola ng MVB?
Dati laging tatlo ang bola ng MVB at puro siya MVA 200. Nanakawan po kami ng 1. Bumili ulit kami ng 1 pa. After 3 weeks, nanakaw na naman ulit. Kaya mula noon para makaiwas, lagi na lang pa isa isa ang inilalabas na bola.

12. May cash prize po ba ang liga?
Wala po. Prizes lang in kind ang ibinigay sa mga winners at special awardees.

13. Ilan po ang teams?
4 teams na po per schedule sa Wed at Sat. Shuffle po eto.

14. Ilang beses naglalaro ang isang team sa isang buwan?
Every week po may laro ang 4 teams. Hindi po fixed ang team kasi shuffle siya.

15. Paano iyon? Sabado lang ako puwede. Hindi ako puwede ng Wednesday.
Sa sabado ka na lang po magconfirm.

16. Kapag hindi ba ako puwede sa liga makakalaro pa rin ba ako sa weekly games or kaya next month?
Oo naman.

17. Nagtext sign up na ba ako. Pasok na ba ako weekly games at liga?
Maisasama na namin ang contact details mo sa database namin. Antay ka na lang ng text and email invites tapos mag confirm ka sa text once nakatanggap ka.

18. Ano po bo ang waitlist?
Ang waitlist ay listahan ng mga players na hindi umabot sa cut off ng weekly games at league. Kinokontak namin kayo kapag may nabakanteng slot.

19. Gustong gusto ko na maglaro pero nasa waitlist pa rin ako. Anong gagawin ko?
Abang ka lang sa text and email invites. Once nakapasok ka na sa weekly games, mag confirm ka lang nang mag confirm para sa susunod na games para hindi ka na ma waitlist.

20. Puwede po bang manood?
Oo naman.

21. May bayad po ba pag manonood?
Wala po.

22. Kailangan pa po ba magpaalam kung manonood?
Hindi na po. Lapitan mo lang siguro kami sa court kapag andun ka na para makilala ka namin. Malay mo may biglang nagcancel at makakalaro ka bigla bigla

23. Pag manonood po ba, may chance na makalaro?
Depende siguro kung may mga players na bilang hindi sumisipot pero hindi po eto guaranteed.

MVB Makati Volleyball Beginners Tournament Format

Here is MVB's Tournament Format.







MVB Makati Volleyball Beginners House Rules

See below house rules for the MVB Monthly Tournament and Regular Games. 




































Sunday, September 3, 2017

We need more players for our game this coming Wednesday. Confirm now!